NAGA CITY- Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang pambabaril sa isang senior citizen ng riding in tandem sa Bula, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Eddie Volante, 62-anyos, residente ng Barangay San Miguel, sa nasabing nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpl. Cecilio Buendia Jr., tagapagsalita ng Bula Municipal Police Station, sinabi nito na habang inaasikaso umano ng biktima ang isang customer sa gasolinahan, nang bigla na lamang dumating ang isang riding-in-tandem at pinaputukan ito ng baril.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na maswerte naman na nakaligtas at hindi naman nasaktan ang biktima.

Una umano rito, inakala pa ni Volante na ang kaniyang customer ang pinaputukan ng suspek.

Kaugnay nito, wala naman umano ng anuman na natanggap na banta ang biktima at wala naman itong kaaway.

Sa ngayon, patuloy pa rin na tinutunton ng mga otoridad ang pagkakakilalan ng mga suspek.