NAGA CITY- Wagi ang pambato ng Pilipinas na si Jeanne Isabelle Bilasano na tubong Malilipot, Albay sa isinagawang Face of Beauty International 2024 sa Lin Palace in Kaohsiung, Southern Taiwan nitong Setyembre 19, 2024.

Maliban pa dito, naiuwi rin nito ang special awards tulad ng People’s Choice Award, Best in National Costume, Best in Long Gown at Best in Swimsuit Award.

Tinanghal naman bilang 1st Runner Up si Anita Wang mula sa Taiwan, 2nd Runner Up si Stephanie Fernandez ng Colombia, 3rd Runner Up naman si Sabne Lata Mailei mula sa Tonga at 4th Runner Up naman si Warunchana Radomlek mula sa Thailand.

Isa na naman itong karangalan para sa bansa, lalo na sa lalawigan ng Albay, dahil sa kanyang tagumpay sa larangan ng internasyonal na pageantry.