NAGA CITY- Umabot sa 202,958 na pamilya ang apektado ng bagyong Quinta kung saan 17,759 na pamilya ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation centers sa Camarines Sur.

Sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) ng nasabing lalawigan napag-alaman rin na ilang bayan dito ang hindi pa rin madaanan dahil sa mga naitalang pagbaha at pagguho ng lupa.

Nasa 25 bayan naman ang nagkaroon ng power outage habang anim na bayan din ang nawalan ng supply ng tubig.

Sa ngayon, patuloy ang monitoring ng mga otoridad sa mga lugar na naapektuhan ng naturang bagyo.