NAGA CITY- Sugatan ang walo katao matapos bumangga ang pampasaherong bus sa isang bahay sa Barangay Binambang
Gumaca, Quezon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Pat. Alejandro A. Veluz Jr., imbestigador ng Gumaca PNP, sinabi nitong posibeng nakatulog at nawalan ng kontrol ang driver sa minamaneho nitong sasakyan.

Hanggang sa napunta ito sa kabillang linya ng kalsada at dumiretsong sa isang bahay.

Kaugnay nito, sugatan ang driver ng DLTB bus kasama ang pitong mga pasahero.

Samantala, ayon kay Veluz, hindi naman nasaktan ang mga taong nasa loob ng naturang bahay.

Sa ngayon nasa maayos na kalayan na umano ang pitong pasahero ngunit nananatiling kritical ang kalagayan ng driver nito.