NAGA CITY- Binigyan-diin ng Department of Education Bicol ang kahalagahan ng social media para sa mga estudyante.
Sa naging mensahe ni Dr. Gilbert Sadsad, Regional Director ng DepEd Bicol, sinabi nito na malaki na ang impact ng social media sa buhay ng mga estudyante lalo na ngayon na halos ang dependent na dito.
Dagdag pa ni Sadsad, mas makakabuti na gamitin ang social media sa mga makabuluhang bagay kagaya na lamang ng pamamahagi ng importanteng impormasyon at iba pa.
Napakaimportante rin na maging responsableng social media user ang bawat isa at tanganing ang mga makabuluhan at importanteng bagay lamang ang i-share dito. Ito’y upang maiwasan ang pagkalat ng fake news.
Sa ganitong sitwasyon, maengganyo ang mga kabataan ng tamang paggamit ng social media at maiiwasan ang masangkot sila sa anumang maling aktibidad.