NAGA CITY-Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr ang pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda sa 15 Munisipalidad na lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine sa na ginanap sa Fuerte CamSur Sports Complex sa lalawigan ng Camarines Sur.
Sa naging mensahe ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr, sinabi nito na mayroong inilaan na P50-M ang Office of the President para sa nasa 5000 na mga farmers and fisherfolk at iba pang naapektuhan ng bagyo na kung saan nakatanggap ang mga ito ng P10-K bawat isa.
Ayon pa sa Presidente, umaasa umano ito na sa pamamagitan ng kanilang ibinigay na tulong mabibigyan ng asistensiya ang mga nasabing sektor upang muling makabangon at makabalik sa normal ang kanilang pamumuhay.
Dagdag pa ng Punong Ehekutibo, malawak ang naging pinsala ng bagyo kun kaya kailangan ang agarang tulong mula sa pamalan at pagkakaroon ng masusing pag-aaral lalo na sa mga stratehiya na angkop sa pagbaha upang maiwasan ang kaparehas na sitwasyon na naranasan sa Bagyong Kristine.
Samantala, kasama naman ng Punong Ehekutibo sa pamamahagi ng tulong si DSWD Sec. Rex Gathalian, DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr, DILG Sec. Jonvic, CamSur Gov. Vincenzo Renato Luigi Villafuerte at iba pang mga matataas na opisyal sa Camarines Sur.
Sa ibang banda, iniutos naman ng Presidente ang DPWH na pag-aralan muli ang Bicol River Basin development program upang magkaroon ng detalied engineering at mas magkaroon ng magandang improvement dito.
Sa ngayon, pinasalamatan naman ng Pangulo ang ASEAN member na nagpadala ng tulong sa Pilipinas na malaking bagay para sa maraming nasalanta ng kalamidad.