NAGA CITY – Muli na namang nadagdagan ang bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa coronavirus disease sa Bicol Region.
Ang naturang impormasyon ang kinumpirma mismo ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol kung saan an naturang pasyente ang may local ID code na Bicol#19.
Ang naturang pasyente ang isang 74-anyos na lalaki mula sa Legazpi City na na-admit sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH).
Ang pasyente ang ikalawa sa mga namatay sa Bicol dahil sa COVID-19 habang siya rin ang pinakamatanda sa mga nagpositibo sa rehiyon.
Ayon sa record ng ahensya, may diabetes mellitus type 2, hypertension at ischemic heart disease ang pasyente.
Kung maaalala, isang COVID-19 positive patient na ang unang binawian ng buhay mula sa lungsod ng Naga.
Sa ngayon, may kabuuang 25 kaso na sa Bicol ng naturang sakit.