NAGA CITY- Labis ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng Naga matapos na pumayag ang isang pari sa naturang lungsod na magpakilala sa kabila ng pag-positibo nito sa COVID-19.

Kinilala ang naturang pasyente na si Bicol #338 na si Fr. Austin John Millares Ortinero, isang pari at Formator ng Holy Rosary Major Seminary sa Concepcion Pequeña, Naga City.

Sa inilabas na opisyal na pahayag ng lokal na pamahalaan ng lungsod, sinabi nito na malaki ang kanilang papuri kay Fr. Austin sa hindi pagdadalawang-isip na siya ay pangalanan. Ang kaniyang desisyon na ito ay hanggang sa makakatulong sa isinasagawan contact tracing.

Sa ngayon, panawagan ng alkalde sa mga naging close contact ni Fr. Austin simula noong nakaraang Linggo, Hulyo 19, hanggang Hulyo 24, na magbigay-alam sa City Health Office.