NAGA CITY- Tinatayang umabot na sa P200 Million ang estimated na bilang ang pinsalang iniwan ng Bagyong Quinta pag dating sa agrikultura sa probinsya ng Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Estel Estropia, tagapagsalita ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC)- Camarines Sur, sinabi nito na sa nasabing labis umanong naapektuhan ang mga magsasaka na nasa rice sector.
Nabatid na halos nasa P15 Million naman ang danyos na iniwan ng bagyo sa mga mangingisda.
Samantala inaasahan naman ang patuloy na paglubo pa ng kabuuang danyos na iniwan ng bagyo sa sektor ng agrikultura sa probinsya dahil sa nagpapatuloy paring assessment.
Ayon kay Estropia, ilan umano sa mga ahensya ang hirap parin sa pagsend ng kanilang mga data dahil sa mahinang internet connection.
Ngunit tiniyak naman nito na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRMO) ng bawat bayan para sa mas mabilis na assessment.