NAGA CITY – Inamin ng isang partylist congressman na mayroon talagang mga dapat baguhin sa sistema ng partylist kagaya ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Mababatid, una nang sinabi ng pangulo na ibibigay na lamang nito sa susunod na administrasyon kung ano ang mga dapat gawin dito ngunit mas makabubuti umano kung tuluyan na itong alisin.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Jill Bongalon, 2nd Nominee ng AKB Partylist, sinabi nito na may punto at pinaghuhugutan ang pangulo sa naging pahayag nito ukol dito.
Ngunit mas focus umano sila na mas pagtibayin pa ang partylist system sa halip na tuluyan itong i-abolish.
Nakahanda rin umano sila na magkaroon ng pagbabago sa kanilang sistema, gaya na lamang ng pagsasala dito at pagkakaroon ng accreditation ng mga grupo para maiwasan na makapasok ang mga partylist na mayroong nin kahina-hinalang intensyon.
Sa ngayon, panagko na lamang ni Bongalon na mananatili silang committed sa kanilang responsibilidad kaugnay ng muling pagbubukas ng 19th congress.