NAGA CITY- Mas pinahigpit ngayon ng Kuwait government ang pagpapatupad ng security measures sa mga mamayan upang makaiwas sa sakit na CoVid-19.
Sa report ni Bombo International Correspondent Mary Jane Opiniano, sinabi nito na sa ngayon wala na umanong pasok ang lahat ng antas ng paaralan sa lugar upang maiwasan na lumabas ng bahay at mahawa ng kumakalat na sakit ang mga bata.
Ayon dito, simula ng kumalat ang sakit sa lugar, halos lahat na rin ng mga tao ay nakasuot na ng facemask.
Maliban dito, ipinagbawal narin aniya ang paglabas ng bahay at pagpunta sa mga matataong lugar.
Samantala, dahil narin umano sa nasabing sakit, marami na ang nag-iimbak ng mga pagkain at bumibili ng doze-dosenang facemask at mga gamit na proteksyon sa nasambing sakit.
Sa ngayon umabot na sa 58 kaso ng covid-19 sa nasabing lugar.