Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay UN Security-General António Guterres sa punong tanggapan ng United Nations sa New York City upang talakayin ang iba’t ibang isyu, kabilang ang hangarin ng Pilipinas na makakuha ng di-permanenteng puwesto sa United Nations Security Council sa halalang nakatakda sa Hunyo 3, 2026.

Sa isinagawang bilateral meeting sa UN Headquarters, tinalakay ng dalawang lider ang pagpapalakas ng kooperasyon ng Pilipinas at ng United Nations sa iba’t ibang larangan.

Isa sa mga pangunahing paksa ang kandidatura ng Pilipinas para sa di-permanenteng puwesto sa Security Council, na itinuturing na mahalagang hakbang upang mapalawak ang papel ng bansa sa pandaigdigang usapin ng kapayapaan at seguridad.

Ayon sa Malacañang, ipinapakita ng pagpupulong ang matagal nang ugnayan at pakikipagtulungan ng Pilipinas sa United Nations.

Advertisement

Muling iginiit ng Pilipinas ang pangako nitong palakasin ang multilateral na kooperasyon at aktibong makibahagi sa mga inisyatiba ng UN, kasabay ng pagsusulong ng kandidatura nito sa Security Council.

Advertisement