NAGA CITY- Kinumpirma ngayon ng Philippine Coast Guard na may persons of interest na silang tinitingnan sa likod ng pagpapasabog sa isang barko na byaheng Pasacao, Camarines at San Pascual, masbate.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Lt. Junior Grade Bernardo Pagador Jr., Station Commander ng PCG-CamSur, sinabi nitong may mga tinitingnan na rin aniya silang motibo at anggulo sa nasabing pagpapasabog.
Ayon kay Pagador, bagama’t sa San Pascual nangyari ang insidente ngunit ang PCG-CamSur ang nag-iimbestiga dahil matapos ang pangyayari, agad na tumuloy ang Roro Vessel sa area of responsibility ng CamSur.
Una rito, ayon kay Pagador, paalis na sana ang barko sa San Pascual at patungog Pasacao ng bilang pasabugan ng hindi pa nakikilalang mag salarin na nakasakay sa isa pang bangka.
Sa halip na huminto, nagtuloy-tuloy parin ang kapitan ng barko hanggang sa nagwarning shot pa aniya ang mga suspek.
Kaugnay nito, nag-iwan ng pinsala sa may taas na bahagi ng barko ang pangyayari ngunit labis ang pasasalamat ni Pagador na walang nasaktan sa insidente.
Sa ngayon, umaasa ang PCG na mabilis na matutukoy ang mga suspek na nasa likod ng naturang pagpapasabog.