NAGA CITY- Nakaalerto na ngayon ang Philippine Coast Guard, Camarines Sur kaugnay sa banta na dala ni Bagyong Bising.
Una rito, itinaas na sa Red Alert Statusat maging ang ‘No Sailing Policy’ sa nasabing lalawigan.
Kaugnay nito, sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki Lt Ailene Abanilla, Station Commander ng Philippine Coast Guard (PCG-CamSur), sinabi nito na nagsagawa na ng pag-iikot ang mga tauhan ng PCG-Camsur sa mga baybayin at low-lying areas upang abisuhan ang mga mangngisda na iwasan muna an pumalaot.
Aniya, handa naman umano ang mga tauhan ng PSG-CamSur sa posibilidad ng pag-dispatch sa mga ito sa magiging epekto ng Bagyong Bising.
Kung maaalala, una ng isinagawa ang pre-emptive evacuation sa mga lugar na itinuturing na nasa High Risk Areas.
Sa ngayon, nakataas na sa typhoon signal no 1 ang probinsiya ng Catanduanes habang signal no 2 naman sa eastern portion ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Masbate kabilang na ang Burias at Ticao Islands.