NAGA CITY – Nagdeploy na ng dagdag na mga personahe ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga high risk areas sa Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ens. Bernardo Pagador Jr. Station Commander ng PCG-Camarine Sur, sinabi nitong kinkailangan ng mga additional assets sa mga bayan ng Nabua, Buhi, Iriga City at Baao dahil sa pagiging flood prone areas ng mga ito.

Ayon kay Pagador, idineploy nila ang karagdagang 11 personahe sa nasabing mga bayan upang tumulong sa mga residente lalo na sa ginawang paglikas.

Aniya, ang naturang mga floating assets ang ipinadalang dagdag na pwersa mula sa PCG District Bicol.

Samantala, mahigpit naman ang ginagawang pagbabantay ng PCG sa mga coastal areas lalo na ang mga pwedeng maapektuhan ng storm surge.