NAGA CITY- Handa umanong magpadala ng karagdagang augmentation force ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office
PDRRMO-Quezon sakaling magpatuloy pa rin ang banta sa nag-aalburotong Taal Volcano sa Batangas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Melchor Averilla head ng PDRRMO Quezon, sinabi nitong maliban sa isang team na kanila nang ipinadala ay
handa pa rin silang magbuo ng karagdagang units kung mangailangan pang tulong ang mga apektado sa nasabing eruption.
Ayon kay Averilla, nakalatag na rin ang kanilang contigency plan hinggil dito.
Subalit aniya, kung sakaling magkaroon ng posibilidad na umabot sa parte nila ang ash fall preparado na rin sila, nakalatag na ang mga konsiderasyon at suporta ng lokal na gobyerno.