NAGA CITY- Patuloy ang isinasagawang paghahanda ng Peñafrancia Task Group sa lungsod ng Naga kaugnay sa mga aktibidad para sa selebrasyon ng Peñafrancia Festival.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Renne Gumba Public Safety Office Naga Director, sinabi nito na fully activated na ang operation center kun saan noong nakaraang araw nagkaroon ng pagtitipon patungkol sa triumphal procession kay Our Lady of Peñafrancia para sa ika-100 na canonical coronation nito.
Kaugnay nito, para naman sa isasagawang prusisyon, ito ay iikot mula sa Cathedral, Francia, centro at babalik sa Cathedral.
Inaasahan na ang mga dadalo na mga religious groups, education sector, at diocese ay nakasuot ng naka-barong o formal attire.
Isasagawa naman sa Setyembre 20 ang misa na magsisimula alas-4 ng hapon habang alas-7 nang gabi ang pagkorona kay Ina.
Ipapatupad naman ang road closure dahil na rin sa inaasahan na pagdagsa ng mga deboto na gustong masaksihan ang nasabing aktibidad.
Samantala, ang PSO ay mayroong nasa 81 na mga tauhan na e-dedeploy habang mag-i-issue naman ng memo patungkol sa mga hindi makakapagleave sa buwan ng Setyembre dahil mayroong ibat ibang cluster ang kinakailangan na mayroong magmamanage ng trapiko, pagbibigay ng seguridad sa mga dadalo na VIP, diplomats at mga ambassador.
Sa ngayon, inaasahan ng lokal na pamahalahan ng Naga City na maging solemn, mapayapa at matagumpay ang selebrasyon ng Peñafrancia Fiesta ngayong taon.