NAGA CITY – Ipinaliwanag ng isang abogado ang mga probisyon upang isaalang-alang ang pagbili o pagbebenta ng boto ng isang kandidato o botante.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga, sinabi ni Atty. Princess Dianne Kris Decierdo, legal counsel at dating interpreter, sinabi nito na kung ang isang botante ay tumatanggap ng pera mula sa isang politikong tumatakbo sa anumang posisyon, ito ay maituturing na pagbebenta ng boto kahit pa ibinoto niya ito o hindi.
Samakatuwid, ang mga ganitong sitwasyon ay hindi dapat pabayaan at hindi rin dapat tumanggap ng pera mula sa sinumang kandidato.
Kung sakali naman na magbigay ng pera ang isang politiko at hindi ito tinanggap ng botante, ang kandidato ay maaaring akusahan ng vote buying at maaring mabigyan ng kaukulang parusa at penalidad.
Sa ngayon, paalala na lamang ni Decierdo na manatiling mabuting botante at ilagay ang tamang tao sa pwesto at hindi dahil sa malaking halaga ng pera na binigay nito noong kampanya.