NAGA CITY- Sumuko na sa National Bureau of Investigation ang person of interest sa pagpatay sa isang Doctor sa Naga City.

Sa naging pagharap sa mga kagawad ng media ni Robert Joey M. Ajero, NBI – Naga District Office, sinabi nito na matapos na biglang mawala ang live-in partner ng biktima matapos ang krimen agad umanong nag reach out ang NBI sa pamilya nito at nakiusap kung paano ito mapapa-surrender.

Ang nasabing person of interest ay kinilalang si Raymart Martinez na live-in partner ng biktima.

Maaalala, una ng sinabi ng Naga City Police Office na si Martinez ang huling kasama ng biktima na si Dr. Rajean Monette Romualdez nang mangyari ang krimen. Lalo pang lumakas Ang kanilang hinala na nang bigla itong nawala.

Ayon sa opisyal, nakausap umano nila si Martinez kung saan humingi na lamang ito ng kaniyang security dahil natatakot raw umano ito Lalo pa’t mayroong 1.2M na pabuya sa kung sinuman ang may impormasyon patungkol sa Kaso.

Tiniyak naman ng ahensiya na magiging ligtas ito sa kamay nila, at dito rin kinumbinse ng opisyal si Martinez na magsabi ng totoong nangyari sa insidente.

Ayon pa kay Ajero na tatlong araw ang kanilang naging pag-uusap at sumang-ayon naman ito na sa naging kasunduan nila na magkikita at susunduin ito kung saan ang malapit na lugar na pwedeng mapagsunduan dito.

Si Martinez ay pumunta ng Matnog Sorsogon at sumakay sa isang sasakyang pandagat, at pumunta sa Bantayan Island papunta naman ng Cebu kung saan dito na ito nakausap ng NBI.

Sa ngayon, hindi pa makapagbigay ng ibang detalye ang ahensiya dahil hinihintay pa nito ang magiging abogado ng person of interest.

Binigyang-diin naman ni Ajero na depende umano sa sasabihin ni Martinez ang tagal ng kaniyang pananatili sa kustodiya ng NBI, kung saan kung ano man ang sasabihin nito, ang Philippine National Police (PNP) ang magpa-file ng demanda at tutulong naman ang NBI sa pagbibigay ng ebidensiya upang lumakas ang kaso.

Pinabulaanan naman ni Abajero na kasama ng person of interest ang pamilya nito para tumakas.

Sa ngayon, wala pang kapahayagan ang live-in partner ng biktima, kung ito talaga Ang may kagagawan ng nasabing krimen.

Tiniyak naman ng mga otoridad na patuloy ang kanilang imbestigasyon para sa agarang hustisya na sigaw ng mga kaanak ng biktima.