NAGA CITY- Nasa pangangalaga ngayon ng 9th Infantry Battalion Philippine Army ang nasa 80 kataong mula pa sa Metro Manila at hindi na
nagawang makalusot pa sa Bicol Region pauwi sa kanilang lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Capt. John Paul Belleza, chief ng Division Public Affairs Office (DPAO), sinabi nito na karamihan sa mga ito ay
pauwi sanang Mindanao dahil sa pagsasailalim sa enhance community quarantine ng Luzon.

Ayon kay Belleza, 32 sa mga ito ay taga Surigao, 16 naman ay General Santos City at 32 ay taga Masbate city. Kung saan pansamantala na itong nasa isolation area upang isailalim sa 14-days quarantine.

Gaya ng ibang mga bicolano, nag tiyaga rin na nag lakad ang ilan sa mga ito hangang sa makarating sa boarder ng probinsya ng Quezon at
Camarines sur.

Samantala, matapos ang 14 na araw na quarantine period ay makikipag ugnayan na 9th ID sa mga Local government Unit na nakakasakop sa mga ito para sa karampatang hakbang.

Sa ngayon umaasa si Belleza na hindi na madadagdagan pa ang nasabing mga stranded passenger upang masiguro na maipapatupad parin ang
social distancing sa loob ng kampo.