NAGA CITY- Mas pinaigting ngayon ng Philippine Army ang pagbabantay sa lalawigan ng Camarines Norte matapos ang panibagong engkwentro na ikinasawi ng isang army official.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Major Gerjim Dimalibot, Officer In Charge ng Division of Public Affairs Office ng 9th Infantry Division ,

Philippine Army sinabi nitong ang nangyaring sagupaan sa pagitan ng mga New People’s Army at pinag-isang pwersa ng 96th Infantry Battalion at 2nd Provincial Mobile Force Company ang bahagi lamang ng mga operasyon laban sa mga rebelde.

Ayon kay Dimalibot, sinusubukang muling pasukin ng mga rebeldeng groupo ang mga lugar na dating balwarte ng mga ito.

Una rito, tumagal ng halos 30 minuto ang palitan ng putok ng dalawang panig sa Barangay Malaya kung saan napuruhan si 2Lt. Jose Henry Nupueto Jr. 28-anyos na residente ng Brgy. Tungawan, Zamboanga Sibugay.

Sa ngayong ayon kay Dimalibot, naipaabot na nila sa pamilya ng namatay na opisyal ang nangyari rito.

Nabatid na ang naturang grupo ang una nang nakabakbakan ng mga militar kamakailan lamang sa Brgy. Submakin sa kaparehong
bayan.