NAGA CITY- Sa kabila ng pagkakaroon ng unilateral ceasefire at peace talk hindi pa rin umano kumpiyansa ang Philippine Army dahil sa mga posibleng gawin ng mga New Peoples Army (NPA).
Ito’y may kaugnayan sa naging pahayag ni Presidente Rodrigo Duterte sa pagkawalang pag-asa umano sa pagkakaroon ng peace talk sa tropa ng gobyerno at ng mga mga rebeldeng grupo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Capt. John Paul Belleza, Chief ng Division Public Affairs Office (DPAO), 9ID, Philippine Army, sinabi nito na hanggang ngayon patuloy pa rin sa pagpaplano at pang-aatake ang mga makakaliwang grupo.
Ngunit sa kabila nito, patuloy pa rin ang mga sundalo sa layunin nitong makatulong at magsilbi sa mga mamamayang Filipino at sa bansa.
Sa ngayon, naniniwala si Belleza na posibleng magkaroon ng katahimikan sa bawat lugar kung mismong ang mga pinuno ng rebeldeng grupo sa mga probinsya ang mangunguna sa pagsasagawa ng localize peace talk.