NAGA CITY– Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth)-Bicol na handang handa sila sa pagbibigay ng tulong sa sinumang mabibiktima ng coronavirus disease 2020.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Neri Lorilla, tagapagsalita ng Philhealth-Bicol, sinabi nito na agi silang bukas sa anumang pwedeng maitulong lalo na ngayong nauso at patuloy sa pagkalat ang naturang sakit.
Ayon kay Lorilla, ang mga Persons Under Investigation (PUIs) ang otomatikong may matatanggap na tulong na papasok sa package na para sa sakit na pneumonia.
Depende aniya ang halagang matatanggap sa kondisyon ng pasyente kung saan kung hindi pa naman napapatunayang positibo ngunit nasa ilalim na ng imbestigasyon sa pamamagitan ng 14-days quarantine period ang pwedeng makatanggap ng P14,000 habang kung nasa high risk na ay pwede nang pumasok sa isang pang package na nasa P32,000.
Samantala, para naman sa mga taong nasa ilalim ng persons under monitoring, bagama’t hindi pa ngayon napag-uusapan, hinahanapan na rin aniya nila ng solusyon kung ano ang pwedeng maitulong sa mga ito.