Photo © web

NAGA CITY- Mahigpit ang isinasagawang pagbabantay at monitoring ng Philippine Army sa Rehiyong Bicol matapos na maitala ang sunod-sunod na engkwentro sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at mga rebeldeng grupo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Maj. Frank Roldan, tagapagsalita ng 9th Infantry Division, Philippine Army, sinabi nito na nito lamang Lunes, binawian ng buhay ang isa sa limang miyembro ng New People’s Army matapos ang sampung minuto na pakikipagsagupaan sa mga tropa ng pamahalaan sa Barangay Salvacion, Garchitorena, Camarines Sur. 

Ayon kay Roldan, narekober sa insidente ang M16 rifle, baril, pampasabog, 7 anti-personnel mines, mga gamit sa paggawa ng explosive devices, ammunition at mga personal na gamit ng mga rebelde.

Kaugnay nito, wala namang naitalang nasugatan o casualties sa hanay ng mga kasundaluhan sa nasabing engkwentro.

Advertisement

Sa bahagi naman ng Milagros, sa lalawigan ng Masbate mayroong naitala na engkwentro sa pagitan ng 2nd Infantry Battalion at mga miyembro ng New People’s Armym na Platoon 2, Guerrilla South Field Committee.

Ang sagupaan ay tumagal nang halos labing-limang minuto na nangayri sa Barangay San Carlos sa nabanggit na bayan.

Samantala, limang miyembro naman ng New People’s Army ang sumuko sa 9th Infantry Sandigan Battalion headquarters sa bayan ng Libmanan sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ayon sa report, kawalan ng deriksyon sa kanilang hanay ang dahilan sa kanilang boluntaryong pagsuko sa pamahalaan.

Sa ngayon, patuloy ang paghikayat ng Philippine Army sa mga rebeldeng grupo na boluntaryong sumuko sa pamahalaan upang hindi magaya sa naging kapalaran ng iba na binawian ng buhay sa sagupaan.

Advertisement