Alam ba ninyo ka-bombo, pasok sa 50 Best Cookies in the World list ng Taste Atlas ang Philippine cookie na tinatawag na Silvanas.
Pumwesto ito sa ika-25 mula sa 50 global cookies sa listahan ng Taste Atlas, na nakakuha ng rating na apat mula sa limang stars.
Ang tinatawang na Silvanas o sylvanas ay frozen cookies na layer ng buttercream, dalawang cashew-meringue wafers at binalot ng cashew crumbs.
Inilarawan naman ng Taste Atlas ang pagkain bilang snack version ng traditional Filipino dessert na kilala bilang sans rival.
Karaniwan dito ang plain silvanas, subalit may iba pa itong flavors na pagpipilian tulad ng strawberry, chocolate, mocha, at iba pa.
Samantala, nanguna namang ang petticoat tails ng Scotland sa listahan. Kasama nito sa top 5 ang makroud el louse cookies ng Algeria, alfajores ng Argentina, stroopwafels ng the Netherlands, at melomakaronas ng Greece.
Ang Taste Atlas ay isang international online publication na sumisiyasat sa mundo sa pamamagitan ng lokal na pagkain. Regular nitong inilalathala ang listahan ng “best foods” sa iba’t ibang kategorya.