NAGA CITY- Naitala ngayong araw ang pagkamatay ng konokonsidera bilang pinakabatang namatay sa coronavirus disease (COVID-19) sa United Kingdom.

Sa report ni Bombo International Correspodent Paul Ledesma, sinabi nitong isang 18-anyos ang dumagdag na naman sa bilang ng mga namatay sa naturang bansa dahil sa nasabing sakit.

Aniya, hindi na isinapubliko pa ng gobyerno ang ibang personal na impormasyon sa naturang panibagong biktima.

Sa ngayon mayroon na aniyang 5,683 positive cases sa bansa habang 281 naman ang namatay.

Aniya, sa ngayon nagpaalala na rin ang mga otoridad sa lahat ng mga mamamayan na huwag na munang lumabas ng bahay para maiwasan an mas madagdagan pa ang bilang ng mga naapektuhan ng naturang sakit.

Tiniyak naman aniya ng gobyerno ang tulong lalo na pagdating sa health care services at facilities.

Samantala tiniyak rin ni Ledesma na nasa mabuting kalagayan naman ang mga kababayang Pinoy sa naturang lugar.