NAGA CITY – Puspusan na ang paghahanda na isinasagawa ng pamunuan ng Bicol Central Station para sa pagdagsa ng mga pasahero sa terminal sa susunod na araw kaugnay ng paggunita sa Semana Santa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Roderick Nonoy Reforsado, Manager ng Bicol Central Station, sinabito nito na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga bus company upang masiguro na sapat ang mga ba-biyaheng bus na kayang i-accomodate ang buhos ng mga pasahero lalo pat halos fully booked na ang mga bus na papuntang Bicol Region.
Ayon pa sa opisyal, kadalasan umano na naitatala ang mataas ng bilang ng mga pasahero sa Bicol Central Station matapos naman ang paggunita ng Semanta Santa. Ibig sabihin sa darating na Marso 31 inaaasahan ng kanilang opisina na bubuhos ang mga biyahero sa terminal dahil ito umano ang panahon ng muling pagbabalik ng mga tao o mga bakasyunista sa Metro Manila at mga kalapit lugar.
Dagdag pa ni Reforsado, inaaasahan rin nila na pagsapit ng Marso 22 hanggang 27 bubuhos na ang mga pasahero sa terminal na pauwi sa ibat ibang bahagi ng icol Region magin sa Visayas at Mindanao area.
Ngayong taon, inaasahan ng opisyal na posibleng umabot sa 200 trips araw-araw ang kanilang maitatala. Ito’y mas mataas kung ikukumpara sa nakalipas na taong 2023 na umabot lamang sa higit 150 trips araw-araw.
Kaugnay nito, enkaso umabot sa nabanggit na pagtaya, dito na magsasagawa ng peak operation o pagdagdag sa bilang ng mga bus na ba-biyahe papuntang Metro Manila.
Sa ganitong pagkakataon, papakiusapan nila ang mga provincial buses na kumuha ng special permit sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang makatulong na maghatid ng mga pasahero papunta sa kalakhang Metro Manila.
Sa ngayon, nasa 92-95 trips pa lamang ang naitatala sa loob ng isang araw at nananatiling normal pa ang sitwasyon sa terminal isang linggo bago ang Semana Santa.