NAGA CITY- Naka-alerto ang Bicol Central Station sa magiging epekto ng bagyong Opong sa Naga City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Nonoy Reforsado, City Government Department Head, Terminal Manager Bicol Central Station, sinabi nito na Martes pa lamang ng hapon ay nagkaroon na sila ng emergency meeting kasama ang mga team leaders na tinatawag na Management Committee ng nasabing terminal at iba pang kaukulang Division.
Dito pinag-usapan ang mga gagawin o mga basic instructions sa pagtiyak ng mga equipments nang nasabing terminal upang hindi gaanong ma apektuhan sakali magkaroon ng pagbaha.
Ang mga tauhan mula sa Public Safety and Security at Operation’s Division, nakamonitor para sa mga scheduled trips lalo na kung mayroong magka-cancel na mga bus companies.
Kaugnay nito wala pa naman nagkakansela na mga bus operators sa kanilang biyahe lalo na ang mga patungong Maynila, at ilang mga byaheng inter-intra province.
Bago kase magkansela ng mga biyahe kailangan na mayroon munang advisory mula sa National Agency tulad na lamang sa Office of the Civil Defense at NDRRMC saka sila gagawa ng kaukulang aksyon upang maipa-abot sa lahat na mga bus companies na ipatigil ang mga byahe temporarily.
Ngunit ayon kay Reforsado, kung walang mga direktiba ang nasabing mga ahensya, nangangahulugan lamang na ibibigay nito ang desisyon sa mga bus comapanies.
Sa ngayon, payo na lamang ng opisyal sa publiko na mas mainam kung ipagpaliban na ang pagbiyahe sa ganitong uri ng panahon makatiyak na ligtas sa bagyo.