NAGA CITY- Naitala ngayon ang pinaka mataas na bilang ng positibo sa coronavirus disease sa Bicol Region.

Sa datos ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol, naitala ang 24 na panibagong kaso.

Base sa datos ng DOH-Bicol , napag alaman na 11 dito ang mulan sa Masbate City, tatlo sa Albay, walo sa Camarines Sur, at dalawa naman ang mula sa Catanduanes.

Sa kasalukuyan umabot na sa kabuuang bilang na 190 ang confirmed cases sa rehiyon habang 105 naman ang Active cases.

Inabisuhan naman ng ahensya ang publiko, maging ang mga Locally Stranded Individuals (LSIs), Returning Overseas Filipinos (ROFs) at mayroong close contacts sa mga confirmed COVID-19 cases na mahigpit na sumunod sa mga quarantine at isolation procedures.Top