NAGA CITY– Sa gitna ng mas pinahigpit na Enhanced Community Quarantine patay ang isang pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makabakbakan ang tropa ng gobyerno ang mga rebeldeng grupo sa Brgy. Bungahan Gumaca, Quezon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Division of Public Affairs Office (DPAO) ng 2nd Infantry Division, Philippine Army, sinasabing nasa
nasabing lugar ang mga militar upang magsagawa ng information dissemination hinggil sa COVID-19 ng may mag-tip umano sa mga ito na may
presensya ng mahigit sa 30 kataong mga rebelde sa lugar.
Kaugnay nito, nauwi ito sa nasabing bakbakan na nagresulta sa pagkapatay sa isang miyembro ng rebeldeng grupo.
Narekober naman sa mga ito ang isang granada, improvised explosive device at backpack na naglalaman ng ilang mga mahahalagang
dokumento.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.