NAGA CITY- Umabot sa P350-M ang pinsalang iniwan ni Bagyong Enteng sa mga pananim sa Bicol Region.
Ayon kay NIA-Bicol Regional Manager Gaudencio De Vera, nagsagawa ng assesment ang NIA Bicol partikular sa mga pananim na palay matapos ang pananalanta ni Bagyong Enteng.
Kaugnay nito, maraming pananim ang nalubog sa baha at napinsala gaya na lamang yuong mga isinailalim sa contract farming.
Umaasa naman ang opisyal na makakabawi muli ang magsasaka kung sakaling magiging maganda ang panahon ngunit sa kasalukuyan ay mayroong nakaamba na sama ng panahon.
Dagdag pa ni De Vera sa kasalukuyan mayroon pa lamang naani na nasa 200 na ektarya out of 1,500 na ektarya.
Ang harvest season ay nagsimula pa noong buwan ng Agosto hanggang Setyembre kung kaya inaasahan na maipagbibili ito sa araw ng Setyembre 13 habang ang pinakahuling pag harvest ay isasagawa sa darating na ikalawang linggo ng Oktubre.
Mayroon na rin na na-mill na palay sa lahat ng probinsya sa Bicol Region at ito’y nai-distribute naman ng ahensya kung saan umabot sa 350 sa Masbate, 500 sa Catanduanes, albay 500 at 500 naman sa Sorsogon, 500 sa Camarines Norte at nasa 2000 naman sa Camarines Sur.
Samantala, ang launching naman ng P29 kada kilo ng bigas ng Kadiwa Program ang sabay-sabay sa ibat ibang probinsya ng Bicol Region, nasa 10 kilos ang pwedeng bilhin ng mga indigent na mga indibidwal lalo na ang mga benepisyaryo ng 4ps, Senior Citizen at solo parent.
Sa ngayon, patuloy naman ang pagsasa-ayos ng NIA-Bicol sa mga irrigasyon sa lahat ng lalawigan sa Bicol Region upang mapabuti ang produksyon ng palay.