NAGA CITY- Aabot sa isang ektarya ang pinsalang iniwan ng nasunog na bundok na sakop ng Tagkawayan, Quezon at Del Gallego Camarines sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay SFO4 Luis Luna ng BFP Tagkawayan, sinabi nitong nahirapan silang makalapit sa mismong lugar dahil malapit na aniya ito sa bangin.
Kung saan napagpasyahan na lamang aniya ng team bantayan ito para hindi umabot sa mga kabahayan sa lugar.
Ayon kay Luna, kung pag-uusapan ang supply ng tubig wala naman sanang problema, ang pagkonekta sa mga hose papunta sa lugar ng sunog ang hindi naging madali.
Sa ngayon, pinaniniwalaang isa sa posibleng dahilan ng nasabing sunog ang pagkakaingin sa lugar.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.