NAGA CITY- Bumisita si Philippine National Police Chief PGen Guillermo Eleazar sa Camarines Sur bilang bahagi ng nagpapatuloy na command visit sa mga Police Provincial Office sa bansa.
Kaugnay nito, paglapag nito sa bayan ng Pili, agad na pinuntahan at ininspeksiyon ng PNP Chief ang police station sa naturang bayan bilang bahagi ng Intensified Cleanliness ng PNP.
Matapos nito, dumiretso ang PNP Chief sa kapitolyo para naman mag-courtesy call kay Camarines Sur Governor Lray Villafuerte.
Nagkaroon naman ng seremonya sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) kung saan ginawaran ng pagkilala ni Eleazar ang mga karapat-dapat na personahe ng kapulisan.
Kung saan, ginawaran ng medalya ng kagalingan sina PLt Fatima Ibias Lanuza, PSSG Johenez Trinidad Lopez, PLt Jonathan Andalis Alfelor, PSSG Herbert Talagtag Pili at PCPL Edwin Balanday Nacion.
Kasama rin sa tampok sa nasabing aktibidad ang pakikipag-usap sa kaniyang mga tauhan, oath-taking kan Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers at BARANGAYanihan Help and Food Bank.
Samantala, tiniyak naman ni Eleazar sa kaniyang mensahe na patuloy na papaigtingin ng kabuhan ng PNP ang pagsugpo ng padrino system at iba pang bulok na sistema kaugnay ng Intensified Cleanliness ng PNP.