NAGA CITY- Muling binisita ni PNP-chief Gen.Rommel Francisco Marbil ang lalawigan ng Camarines Sur partikular ang kahabaan ng Andaya Highway sa Lupi.
Ayon sa opisyal, layunin ng kanyang pagbisita na siguraduhon ang magaang daloy ng trapiko at kaligtasan ng mga motorista at biyahero na pabalik at palabas ng Metro Manila matapos ang mahabang holiday season.
Pinuri ni Gen. Marbil ang mga tauhan ng Police Regional Office (PRO)-5 dahil sa mga hakbang na ginawa para sa seguridad sa buong kahabaan ng highway.
Maaalala, magaan na ang trapiko sa nasabing kalsada dahil two way lane na ang binuksan at mayroon na ring mga traffic signs.
Patuloy ang pagdagsa ng mga biyahero dahil peak season pa rin at tuloy-tulpy ang mga nagbabalik sa Metro Manila at dumaraang mga sasakyang sa lugar.
Malaking kasiyahan ang naramdaman ni Marbil na wala na ang kilo-kilometrong pila ng mga sasakyan sa magkabilang lane dahil sa mga hakbang ng Police Regional Office katuwang ang iba pang sangay ng pamahalaan.
Sa kabila ng lubak-lubak na kalsada dahil sa dami umano ng mga pulis na inilagay ay wala nang naitalang disgrasya sa naturang kalsada at naiwasan din ang highway robbery.
Samantala, muli ring binisita ni Marbil ang Sagrada Familia kung saan nag-donate ito para sa renovation ng nasabing simbahan.
Sa ngayon, hagad na lamang ng opisyal na magpatuloy ang magandang serbisyo ng mga kapulisan sa Camarines Sur para sa ikakabuti ng lahat.