NAGA CITY – Bumisita si PNP Chief Rommel Francisco Marbil sa bayan ng Lupi Camaries Sur upang personal na matingnan ang kalagayan sa nararanasang mabigat na trapiko sa kahabaan ng Andaya Highway.

Sa panayam ng Bombo Radto Naga kay PCPT. Jonel San Buenaventura-Acting Chiefof Police, sinabi nito na ang pangunahing layunin ng PNP Chief ay ang pagsubok sa operational readiness ng PNP Lupi sa pag mange ng taffic situation sa Andaya Highway.

Isa rin dito ang pag monitor sa kung paano nagbibigay ng asistance ang mga kapulisan sa mga motorista habang mabigat ang trapiko.

Ayon pa kay Buenaventura, ang pagbisita aniya ng PNP Chief ay hindi inaasahan dahil pinalabas ang announcement isang oras bago ito lumapag ngunit wala naman naging problema dahil ang lahat ng mga kapulisan ay handa sa biglaang sitwasyon.

Satisfied naman aniya ang Hepe ng pulisya sa nasaksihan nitong pagtugon ng mga kapulisan sa lagay ng trapiko.

Kaugnay nito, iminungkahi Ng opisyal ang pagdagdag ng mga signages bago ang control point tulad ng 1 km constructions ahead.

Kung ikukumpara aniya sa nga nakaraang araw ay bahagyang gumaan ang bigat ng trapiko sa Lupi dahil sa naging rehabilitasyon project ng DPWH na kahit papaano ay nagkaroon naman ng development kung saan ang dating one way lane ay ngayon ay two way na.

Ang volume ng mga sasakyan ay talagang madami ngunit namamanage din naman nang maayos.

Matapos bumisita sa bayan ng Lupi, pumunta rin si Marbil sa simbahan sa Sagrada Familia, sa isang paaralan, at deretsong sumakay ng eroplano papuntang Camp O La Legaspi.

Matatandaan ito rin ang unang pagkakataon na bumisita si PNP Chief Marbil sa bayan ng Lupi.

Sa ngayon pinapaalalahan na lamang ng opisyal ang mga byahero o commuters na maging responsable, magin maunawa at magbaon ng pasensiya sa lagay ng trapiko dahil tinitiyak naman aniya nila ang pagtrabaho nang maayos ng DPWH sa road rehabilitation.