NAGA CITY- Muling bumisita ang Hepe ng Philippine National Police na si PGen. Rommel Francisco D. Marbil sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan pinipinturahan na nito ang Sagrada Familia Parish Church sa bayan ng Lupi.

Sa naging pagharap ng opisyal sa mga kagawad ng media, sinabi nito na sa unang pagbisita nila sa probinsiya ay bumaba sila sa kapilya, at napansin nitong maganda ang simbahan ngunit napabayaan ito. Kaya naman ngayong nakabalik na ito sa lugar, inaayos at pinapinturahan ang nasabing kapilya.

Dagdag pa ni Marbil, na ang kanilang regalo sa taumbayan ay ginagawa umano nila sa mga pulisya. 

Aniya, kapag mayroong problema ang isang tao ay maaari itong dumulog sa Mahal na Ama, kung saan ang kapilya na kanilang inayos ay ang lugar na pupuntahan upang makausap ang nasa itaas.

Binigyang-diin din nito na ang kanilang church building ang kanilang paraan para makapagbahagi ng biyaya sa ibang tao.

Samantala, sa kanyang ikalawang pagbisita sa probinsya, tiningnan din nito ang sitwasyon ng trapiko sa bayan ng Lupi, at ikinatuwa ng opisyal ang tulong ng mga pulis sa pamamahala sa kanila sa lugar.