Nagpahayag ng kahandaan ang Philippine National Police (PNP) sakaling isailalim sa kanilang kustodiya si dating kongresista na si Zaldy Co pagdating nito sa Pilipinas.

Ayon kay Jose Melencio Nartatez Jr., nakikipag-ugnayan na ang PNP sa iba pang ahensya ng gobyerno, partikular sa Department of Foreign Affairs (DFA), upang matiyak ang maayos na pagsunod sa mga legal at diplomatikong proseso kaugnay ng pagbabalik ni Co sa bansa.

Tiniyak din ng PNP na ang lahat ng hakbang na kanilang isasagawa ay alinsunod sa umiiral na batas at sa itinakdang due process.

Samantala, nauna nang sinabi ni Juanito Victor Remulla na pagdating ni Co ay agad itong sasailalim sa booking at documentation procedures, kabilang ang physical examination at pagkuha ng mugshots.

Advertisement

Matapos nito, ihaharap si Co sa Sandiganbayan para sa return of warrant of arrest kaugnay ng kinakaharap nitong kaso.

Advertisement