NAGA CITY- Ikinalungkot ng Philippine Natioanl Police ang pagkamatay ng isang pulis na umano’y sangkot sa mga iligal na transaksyon ng droga sa Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCapt. Efren Dela Cruz, hepe ng Nabua-PNP, sinabi nitong bagama’t hindi maganda ang kinalagyan ng pulis na si Pat. Domingo Cabañez Jr. 39- anyos ng Brgy. La Anunsacion, Iriga City, ngunit kailangan aniya nilang gawin ang mandato lalo na sa paglaban sa iligal na droga.
Ayon kay Dela Cruz, dae nakontento si Cabañez sa kanyang sahod kung kaya kumapit pa sa iligal na transaksyon ng droga.
ANg naturang pulis ang isa sa mga active member ng Philippine National Police at naka-assign sa Regional Personal Holding and accounting Unit ng Police Regional Office 5.
Kung maaalala, ipinasailalim sa drug operation si Cabañez ngunit nakahalata ito na pulis ang kanyang katransaksyon kung kaya sinubukang manlaban ngunit napuruhan nang gumanti ang kapulisan.
Narekober sa crime Scene ang isang sarong cal. 38 revolver at ilang sa sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P6,000.
Ayon kay Dela Cruz, matagal nang minomonitor ng mga otoridad ang bawat galaw ng naturang pulis.
Nabatid na una na itong nagpositibo sa drug testing kung kaya nag AWOL ngunit muling nakabalik sa serbisyo noong taong 2018.