NAGA CITY- Naging matagumpay ang mga isinagawang operasyon ng Lagonoy Municipal Police Station kontra sa mga indibidwal na nasa kanilang most wanted persons list.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSMSgt. Adrian Lirag, Police Community Relation Officer ng Lagonoy MPS, sinabi nito na nagpapatuloy ang kanilang mga isinasagawang mga manhunt operation kontra sa mga most wanted person sa kanilang bayan.

Ang sinasabing hakbang ay nagresulta sa pagkakaaresto sa lima sa mga ito sa loob lamang ng isang linggo.

Dagdag pa ni Lirag naging matagumpay naman ang nasabing operasyon dahil na rin sa tulong ng kanilang mga stakeholders at mga informants.

Sa paraan kasi aniyang ito, ay nalocate ang lokasyon ng mga nasabing wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

Samantala, labis naman na ikinatuwa ng opisyal ang nasabing pangyayari dahil malaking achievement ito para sa kanila.

Kaugnayan naman nito, mero pa rin silang mga naka pending na warrant of arrest na iseserbi sa mga wanted na indibidwal ngunit medyo malayo pa ito sa kanilang bayan dahil nasa labas ito ng Lagonoy.