Mahigpit na binabantayan ng Philippine National Police o PNP ang seguridad sa ginaganap na rally sa People Power Monument.
Pinangunahan ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang pag-monitor sa sitwasyon sa lugar upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga dumalo sa pagtitipon.
Ayon sa PNP, nagtalaga ang kanilang hanay ng sapat na bilang ng mga tauhan upang bantayan ang seguridad, pamahalaan ang daloy ng tao, at agad na makaresponde sakaling magkaroon ng anumang insidente.
Patuloy rin ang koordinasyon ng pulisya sa mga organizer ng rally at iba pang ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang mapayapa at maayos na pagsasagawa ng aktibidad.
Pinapayuhan naman ang mga kalahok at mga motorista sa paligid ng People Power Monument na sumunod sa mga panuntunan ng mga awtoridad at maging maingat habang nagpapatuloy ang pagtitipon.














