NAGA CITY- Mas pina-igting ng mga otoridad ang pagpapa-alala sa mga residente ng Quezon na iwasan muna ang pag-inom ng lambanog kasabay ng kaliwa’t kanang selebrasyon ng Bagong Taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Joselito Araja hepe ng Mulanay- PNP, sinabi nitong ng noong nakaraang araw umano ng meron na namang isang indibidwal na isinugod sa ospital na pinaniniwalaang nakainom ng lambanog subalit nasa maayos na umanong kalagayan.
Ayon kay Araja, matapos ang sunod sunod na insidente ng pagkamatay ng mga residente sa ilang bayan at lungsod sa lalawigan, nagbaba aniya ng direktiba ang Regional Director na tiyaking wala munang makakainom ng nasabing inumin.
Samantala, pansamantala rin aniyang pinatigil ang bentahan nito sa Mulanay habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad.
Kung maaalala, halos 11 katao na an naireshistrong namatay sa nasabing probinsya matapos na umano’y makainom ng lambanog.