NAGA CITY- Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman ang pagkakakilanlan ng naaagnas na bangkay na natagpuan sa Pili, Camarines Sur.
Ayon kay PCpt. Rodel Realo, Deputy Chief of Police ng Pili, MPS, sinabi nito na nag-request na umano sila ng tulong mula sa SOCO upang malaman ang rason sa pagkamatay ng nasabing indibidwal.
Matatandaan, natagpuan ang katawan ng biktima sa masukal na creek sa likuran ng pampublikong sementeryo sa Barangay San Agustin Pili, Camarines Sur, Agosto 15, 2024.
Pasado alas 5:20 noong Agosto 15, 2024 kang pumunta ito sa isang vendor sa lugar upang mamingwit ng isda ng makita nito ang nasa state of decomposition ng biktima.
Kaagad rin umano na humingi ng tulong ang nasabing vendor mula sa pulisya upang ipa-abot an kanyang nakita.
Kaugnay nito, pinaniniwalaan naman na humigit-kumulang apat o limang araw na sa lugar ang biktima at hindi na makilala ang mukha tanging ang soboot nitong bracelet at pang ibaba ang kanyang pagkakakilanlan.
Dagdag pa ng opisyal, hinihintay pa ang medicolegal sa otopsiya sa katawan nito upang malaman ang dahilan sa kamatayan nito kasabay na rin ang pag-alam sa mga posibleng anggulo sa insidente.
Sa ngayon, panawagan na lamang ni Realo sa publiko na kung enkaso mayroong nalalaman sa insidente ay kaagad na ipaabot sa kanilang hepatura para sa ikakaresolba nito.