NAGA CITY- Umaaasa pa rin ang Philippine National Police- Special Action Force (PNP-SAF) na makukuha ng Fallen 44 ang hustisya sa kanilang pagkamatay sa engkwentro.

Ito’y kaugnay ng ika-limang taong anibersaryo ng malagim na pagkakapaslang sa mga ito sa Mamapasano Maguindanao noong Enero 25, 2015.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt. Nikko Arellano ng PNP-SAF Bicol, sinabi nitong kahit matagal ng panahon ang nakalipas positibo at umaasa pa rin sila na mabibigyang hustisya ang karumal-dumal na pagpaslang sa kanilang mga kasamahan.

Ayon kay Arellano, fallen but never forgotten ang sakripisyo ng mga ito lalo na at para sa bayan ang dahilan ng pagkamatay ng naturang mga Saf troopers.

Dagdag pa nito, nangangako aniya silang ipagpapatuloy ang legasiya ng mga ito sa patuloy na paglaban kontra insurhensya at mga boyolensyang gawain ng mga teroristang grupo.Top