NAGA CITY- Umapela ngayon ang Philippine National Police sa publiko na makipagtulungan sa kapulisan para sa mabilis na pagresolba sa kaso
ng pamamaril-patay sa isang empleyado ng Department of Education- Camarines Norte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Estephen Cabaltera, hepe ng Vinzons-PNP, nanawagan ito sa kung sino man ang nakakita o mayroong impormasyon sa pwedeng maktulong sa imbestigasyon na huwag magdalawang isip na lumapit sa PNP.
Tiniyak naman ni Cabaltera na magiging confidential ang anumang ibubunyag na impormasyon ng sinomang witness para sa kanilang pansariling seguridad.
Una rito sinabi ng PNP na robbery ang tinitingnang nilang anggulo sa krimen.
Kung maaalala sakay ng kanyang saksakyan ang biktimang si Virgilio Alvin Quiñones ng bigla na lamang itong binaril ng hindi pa nakikilalang gunman pagdating sa Sto Domingo, Vinzons, Camarines Norte.
Tinamaan sa ulo at katawan ang biktima na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.