Photo ©web

Maaaring maranasan ng mga motorista sa Pilipinas ang panibagong bigat sa bulsa matapos asahang muling tumaas nang malaki ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa pinakahuling pagtataya.

Batay sa projections ngayong Biyernes, Marso 20, posibleng madagdagan ng P14 hanggang P14.50 kada litro ang diesel na maaaring magtulak sa presyo nito sa halos P130 kada litro.

Sa gasolina naman, inaasahang tataas ito ng P7.00 hanggang P7.50 kada litro, na posibleng mag-angat sa presyo nito nang lampas P100 kada litro.

Inaasahan ding magkakaroon ng malaking pagtaas sa presyo ng kerosene, bagamat wala pang eksaktong halaga ang inilalabas na pagtataya.

Advertisement

Ayon sa mga eksperto, ang patuloy na kaguluhan sa Middle East ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, na nagdudulot ng kakulangan sa suplay.

Samantala, nagbabala ang Department of Energy (DOE) na maaaring magpatuloy ang pabago-bagong galaw ng presyo ng langis sa mga susunod na linggo dahil sa kawalan ng katiyakan sa suplay sa pandaigdigang merkado.

Advertisement