NAGA CITY- Tiniyak nang Philippine Red Cross Camarines Sur Chapter na mayroong sapat na suplay ng dugo sa blood bank ngayong nararanasan na ang matinding init ng panahon sa buong bansa partikular sa lalawigan ng CamSur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Maria Felisa Badiola, OIC ng Philippine Red Cross – Camarines Sur Chapter, sinabi nito patuloy ang kanilang isinasagawang blood letting activity upang mapunan ang tumataas na pangangailangan ng mga pasyente sa dugo.
Ayon pa kay Badiola, ngayong nahaharap ang bansa sa banta na dala nang matinding init nang panahon tiniyak nang Philippine Red Cross CamSur Chapter na nananatili itong committed sa pagbibigay nang napapanahon at epektibong humanitarian aid sa komunidad.
Maaari umanong sama-samang mag-donate ng dugo ang magkakapa-milya, magkakatrabaho o magkakaibigan.Habang kung maramihan naman ang magdo-donate, maaaring mismong ang mga tauhan nang PRC ang magtungo sa kanilang lugar.
Binigyan-diin nang opisyal na importante umano ang sapat na suplay ng dugo lalo pa’t una na ring nagbabala ang Department of Health sa iba’t ibang sakit na maaring kumalat sa panahon ng tagtuyot.
Samantala, kamakailan lang binisita ng mga representatives nang European Civil Protection and Humanitarian Aid Operations (ECHO) ang Philippine Red Cross – Camarines Sur at mga naapektuhan ng mga nakaraang bagyo sa lalawigan.
Layunin nang nasabing pagbisita ay upang i-assess ang naging impact nang humanitarian aid, pag-monitor sa mga progreso nang nagpapatuloy na interventions, at pag-alam pa sa ibang pangangailangan ng apektadong komunidad.
Sa ngayon, patuloy ang panawagan nang opisyal sa publiko na mag-donate ng kanilang dugo upang makatulong sa pagdugtong ng buhay ng ibang tao.