NAGA CITY- Suportado ni Presidente Rodrigo Duterte ang inihaing proposal ni Governor Migz Villafuerte hingil sa mga proyektong posibleng maging solusyon sa pagbabaha sa Camarines Sur.
Una na rito hanggang sa ngayon ay lubog pa rin sa baha ang ilang bayan ng probinysa dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses.
Ito ay matapos ang isinagawang pagbisita ng Presidente sa probinsya ng halos isang oras para pag usapan ang posibleng tulong sa mga mamayan na naapektohan ng dumaang mga bagyo.
Sa isinagawang press briefing sa kapitolyo probinsyal ng Camarines Sur una ng inihayag ni Gov. Migz ang pangunahing problema ng probinsya dahil maikokonsidera aniya na catch basin ang Camarines Sur.
Ayon sa gobernador una ng nagkaroon ng pag-aaral taong 2013 ang World Bank project Studies hinggil sa naturang problema at pagbibigay sulosyon.
Kung saan maari umano nitong masulosyonan ang problema pagdating sa baha na nararanasan ng mga mamayan ng probinsya.
Kaugnay nito tiniyak ng punong hepe ehekutibo na mapapabilis ang tulong na kinakailangan ng probinsya para sa nasabing proyekto.
Nabatid na isa ang Bicol river sa pinakamalaking ilog sa Pilipinas kung saan nagiging rason ng malawakang pagbaha sa probinsya.
Samantala pinasalamatan naman Rep. Lray Villafuerte ang pagbisita ng Presidente kasama si Senator Bong Go sa naturang probinsya.