NAGA CITY – Umaasa ang Philippine Statistic Authority (PSA) na bababa ang presyo ng bigas dahil sa pagtapyas sa taripa sa imported rice sa mga susunod na araw at buwan.
Ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa, naglalaro sa ₱6 hanggang ₱7 ang posibleng ibababa ng presyo sa kada kilo ng bigas.
Maaari rin na makaapekto dito ang mataas na palitan ng piso sa dolyar na umabot na sa ₱58 ang palitan kahapon kahit na tinapyasan na ang taripa sa imported rice.
Samantala, pag bumaba ang presyo ng bigas ay maaari ring bumaba ang tinatawag na rice inflation na labis na nakakaapekto sa pangkahalatang inflation rate ng bansa.
Maaalala, ang regular-milled rice noong Abril ay umaabot sa ₱51.3 ang presyo kada kilo.
Habang ang well-milled rice naman ay nasa P56.6 na mas mababa sa ₱56.40 noong Mayo.
Ang special rice naman ay nasa ₱64.41 kada kilo noong buwan ng Abril at nasa ₱64.68 noong nakaraang buwan.