NAGA CITY- Umabot na umano sa triple ang presyo ng facemask sa Hong Kong matapos ang kumakalat na virus sa iba’t-ibang parte nang mundo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Maria Samillano, isang Ofw sa Hong Kong sinabi nito na dahil sa naturang sakit nag kakaroon na ng shortage sa mga facemask sa rehiyon resulta para tumaas umano ang presyo nito.
Ayon kay Samillano, makikita na halos lahat ay nakasuot na ng facemask mag mula sa mg bata hanggang sa mga matatanda upang makaiwas na mahawan ng coronavirus.
Ayon dito, dahil sa taglamig na sa lugar mas kinakailangan na mag soot ng facemask para sa proteksyon lalo na sa mga mahihina ang resistensya .
Dahil sa naturang klima nag karoon umano ng makapal na hamog sa lugar na pinaniniwalaang galing sa dereksyon ng China kung kaya’t mas pinag iingat ang mga residente.
Samantala, dahil narin sa nasabing kumakalat na coronavirus kaunti lamang umano ang mga pinoy na lalabas kahit pa nga may mahaba itong rest day dahil sa ipinag diriwang na chinese new year ngayong araw , ito ay dahil natatakot rin ang mga pinoy na posibleng mahawaan ng nasabing sakit.