NAGA CITY- Mas pinahigpit ngayon ng lokal na gobyerno ng lungsod ng Naga ang pagbabantay kasabay kan pinapatupad na Price Freeze sa lugar.

Ito ay may koneksyon sa pagsasailalim sa lungsod sa State of Calamity dahil sa kaso ng African Swine Fevr (ASF) kung saan hindi pwedeng gumalaw ang presyo ng mga prime commodities.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Coun. Joe Perez, Head ng Price Monitoring Committee, sinabi nito na naging maganda ang kanilang pag-uusap dahil nakaboo umano sila ng mas komprehesibong hakdang sa pagtutok sa mga meat products.

Ayon kay Perez, ilang beses naman na nagsagawa ng montoring ang Department of Agriculture (DA) sa mga presyo.

Dagdag pa nito, maliban sa karne, kasabay pa sa imomonitor ang presyo ng mga isda dahil narin kasabay ito sa alternatibong binibili ng mga consumers lalo na ngayon na apektado agn mga karneng baboy dahil sa ASF.

Sa ngayon, wala pa naman umano silang nakikitang sumuway sa nasabing kautusan sa tolong ng National Meat Inspection Service (NMIS), Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).